Paggising sa umaga ay latang-lata ako. Hindi naman puyat, hindi naman lango. Masyado lang malalim ang pagkakatulog ko. Para akong nanggaling sa 'di maarok na mundo.
Kaka-iba lang at maraming 'di maintindihan. Ngunit malinis at busilak ang nararamdaman. Madilim man ang kulay ngunit banaag ang mga kinang. Makulay ang hinaharap mula sa gintong nakaraan.
Ang nagngangalit na litid ay madaling napapatid. Ang noong nakakunot ay nabubuhol ang isip. Kayang-kayang igupo ng poot at ng galit. Niyayakap ang pagsuko hanggang sa matutong manakit.
Sa hinaharap ay iniibsan makataong hinanakit. Walang nagugutom, walang nagkakasakit. Napapahaba ang buhay habang bumubuti ang isip. Walang sakim walang ulol, walang nangungupit.
Walang gulo walang away. Walang nakasimangot na garutay. Walang mayayabang na tambay. Lahat ng tao, pantay-pantay.
Walang patay-gutom. Lahat ay may bahay katulad ng pagong. Lahat ng pangangailangan nakakamit sa maghapon. At nakakatulog ng mahimbing tulad ng isang sanggol.
At hindi ko na hihintayin pa itong hinaharap. Kikilos na ako na iwaksi itong hirap. Hindi magagalit, dib-dib ay laging maluwag. Palalawakin ang isip hanggang sa maintindihan ang lahat-lahat...
Willing is not enough, we must do. -Bruce Lee
↑
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento