TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Abril 18, 2010

¤ sa kagubatan ¤




Nagbabago bawat nilalang sa loob nitong kagubatan. Kulay, hugis at kaanyuan umaayon sa kapaligiran. May lumalaki, may lumiliit. May singkintab ng sasakyan. May nabubuhay kahit hindi kumain ng isang buwan...

Langgam ay naghugis eroplanong bakawan. Ibong mandaragit na natutong gumapang. Balahibong ginintuan, kulay bumbilya ng kanluran.
Mga salita nila'y hinuhuni ng ilog sa bilog na buwan...

At sa gabi'y may nanlilisik. Mababangis na hayop na mapanlupig. Kumakain ng laman, ito ang kanilang nais. Ito ang kanilang paraan upang manatiling mabangis.

At meron din naman mga laman-lupa. Meron din mabait karamihan walanghiya. Kukuhitin ka ng kukuhitan hanggan sa ikaw ay mabigla. Pero hindi naman nananakit ayaw lang nilang nagagambala.

Sila ang naghubog nitong gubat na pinagpala. Sila ang tagapagbantay sa mapaglabis at walang awa. Sila ang tagapanatili ng magagandang dakila. Sila ang tagasunod ng batas na mahiwaga...


The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the heart. -Hellen Keller




¤

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento