TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Abril 27, 2010

Kalabanga




Noong kapanahunan ni Heber, ni Florante at ng APO. May gustong-gusto akong kainin tuwing hapon ng linggo. Inaabangan ko na ang babaeng may suong na bilao. Malayo pa ay dinig ko na ang 'KALABANGA kayo!..

Nagkalat daw ito noon sa lawa ng Laguna. Kalabanga kung tawagin doon sa Paete, Laguna. Unang ipinakain nitong mahal kong ina. Maging mga kapatid ko ay nahahalina sa lasa...

Kapag walang laman ay pinapaputok sa noo. Kapag manibalang ay lasang-lasa ang sarap nito. Kapag tumaba naman ay may berde sa sentro. At tuwang-tuwa ako kapag ito'y isang bilao...

Bagamat hindi na ako nakakakain ay maswerte pa rin ako. Natikman ko ang biyaya nitong kalabangang ito. Lasa at sarap ay tandang-tanda ko. Ang tanong ko lang ay ano ba sa ingles 'to?...


^

2 komento:

  1. Hindi-nagpakilalaLinggo, 16 Hunyo, 2013

    hey there and thank you for your info –
    I have certainly picked up anything new from right here. I
    did however expertise several technical points using this
    web site, since I experienced to reload the website a lot
    of times previous to I could get it to load properly. I had been
    wondering if your hosting is OK? Not that I'm complaining, but sluggish loading instances times will sometimes affect your placement in google and could damage your high-quality score if advertising and marketing with Adwords. Anyway I'm
    adding this RSS to my email and could look out for much more of your respective exciting content.
    Ensure that you update this again soon.

    Stop by my web-site restrained

    TumugonBurahin
  2. Hindi-nagpakilalaLinggo, 16 Hunyo, 2013

    Hi there, I check your blog daily. Your story-telling style is witty,
    keep it up!

    Also visit my blog post :: debts

    TumugonBurahin