TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Abril 1, 2010

sadula




Balita ko ipapako ka na naman. Taon-taon na lang ginagawa mo yan. Ang magpasakit at pahirapan. Dyan mo ba kinukuha ang iyong tunay na kaligayahan..

Nirerespeto ko iyong paniniwala. Ano ang dahilan at iyong isinadula? Iginagalang ko iyong tadhana.
Nawa'y marating mo iyong kinakatha...

Itong mga bata'y nagugulat sa 'yong ginagawa. Nanginginig sa takot mga mukha'y putlang-putla. Paano mo ipapaliwanag na yan nga ba ang tama? Ang isalantaran sa madla ang pananakit nang kapwa...

Palo dito hampas doon. May nag-iiyakan pa'ng mga nakatalukbong. At sa karamihan nang mga naroon. Mga turista at dayo na may iba't ibang reaksyon...

Wala kaylanmang makakaparis sa Diyos. Wala kaylanmang nakakaintindi sa Diyos. Wala kaylanmang nakakaunawa sa Diyos. Wala kaylanmang nakakabatid sa Diyos...


There is only one God and his name is ......



^

1 komento: