
Panahon ng maglakbay sa mataas at patag. Panahon ng maghanap kung saan ang ligtas. Panahon ng lumikas at maging matatag. Upang kinabukasan ng anak ay maging panatag...
Hindi na makatuwiran ang makipagsiksikan. Hindi na makatuwiran ang away at agawan. Hindi na makatuwiran ang sanggol sa ulanan. Hindi na makatuwiran na sila ay pabayaan...
Ano nga ba talaga ang mas nararapat? Ang magtiis sa hirap at maghintay ng lunas? O ang kumilos at lumikas doon sa mas ligtas? O ang harapin ang lupit nitong likas na dahas?..
Marahil ay panahon na, mga bata ay alalahanin na. Mailayo sa panganib, mailayo sa dusa. Mailayo sa bangungot ng kasawian at aba. Mailayo sa lagim ng hindi magandang pamana...
↑
⊙
≈
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento