
Baligtad na nga ba ang mundo. Mula sa lamesang kwadrado. Balasahin mo na ang baraha mo. At ipakita ang kapalaran ko...
O sadyang nauuso lang itong kalamidad. O sadyang ang mundo lang ay tuluyan ng bumaligtad. Waring ang paligid ay hindi na ligtas. Kailangan na bang magkulong sa gusaling matatag...
Mistula na nga bang mga ipis at daga? Ang sumunod sa agos ay malunod sa baha. O ang tumayo sa bundok na malambot at malata. At magpadagan sa pagguho ng lupa...
Tayo ba ang pumipili nitong kapalaran? O minana lang ito sa kanunununuan? Kalamidad ba ay likha nitong kalikasan? O tao ba ang responsable sa lahat ng kaganapan?..
Ganon pa man, tuloy lang ang buhay. Palaging may pag-asa sa ning-ning nitong kulay. Bangon! Bangon! Salubungin ng mas matibay. Itong hamon ng panahon, hindi pasusupil, dahil kailangan magtagumpay...
①
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento