
Napakamaalinsangan ng paligid. Lumabas ang buwan mula sa langit. Mainit ang hangin na umiihip. Na para ka lamang kinukuhit...
Waring may humihigop sa kung saang dako. Walang mga bituin na nakapako. Tahimik ang kawayan at malalagong puno. Nasaan ka hangin na nagbibigay suyo...
Ito ang hitsura kung titingala ka. Dito sa lugar na walang balisa. Malamlam na liwanag ang aking nakikita. At mga paniking paikot-ikot sa puno ng mangga...
Mag-aalas onse na sa unang gabi ng Oktubre. Walang ulan walang ambon sa sakuna ay libre. Mga bata'y naglalaro kahit na gabing-gabi. Malayang nagtatakbuhan, tuwa'y banaag sa kanilang pisngi...
Hindi nila alintana na sa kabilang-dako ay umuulan. Nandoon din ang malakas na habagat at amihan. Walang nakakaalam kung ano ang kahihinatnan. Kung ano man yaong idudulot nitong kapalaran...
~
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento