
Tara! Tumuloy na ta! Huwag ng umasa sa tulong ng iba. Mas malala pa sa atin ang problema nila. Tayo na munang mag-kanya-kanya...
Dahil ang sa iyo ay kanila rin. At ang sa kanila ay kanila pa rin. Panahon ng ikilos ang lakad natin. Huwag na natin silang hintayin...
Maya't-maya'y nagpapalit, kagagastos, kasuswitik. Panay pasyal, panay kupit. Pinabayaan na tayong maliliit...
Tara na! Tara na! Baybayin natin ang liwanag ng pag-asa. Kung saan walang gulo, walang kaba. Kung saan ligtas ang bukas ng aba...
Mabulaklak na pananalita. Taun-taon ginagawa. Pangako sa buong madla. Basang-basa, nalalata...
Pangako ay nahihilaw. Nabubulok sa kalalayaw. Dumarami ang naliligaw. Sa karangyaan, laging uhaw...
Tara na! Tara na! Aasa ka pa ba? Namuti na ang buhok sa kahihintay ng pag-asa. Kumulubot na ang balat, tumigas na at kumunat. Huwag na nating hintayin, huwag na tayong magpabukas...
:alay sa mga kabataan na lumusob sa Mendiola:
↑⊙↑
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento