
At sa aking pagmulat mula sa pagkakatulog. Nakita ko ang mundo sa kakaibang hubog. Naalimpungatan ako at hindi mapagtanto. Basahin natin sa iginuhit nitong puso...
May ina may anak, may taong naglalakad. May matang nakasilip sa mukhang naka-baligtad. At sa hindi kalayuan ay may bundok at may dagat. Meron mukhang nakangiti, meron din umiiyak...
Saan nagmula ang lahat ng ito? Ano ang dahilan at bakit tayo nandirito? Bakit tayo ang saksi sa pag-ikot ng mundo? Tayo lang ba ang may buhay sa pagkalawak-lawak na galaktiko?..
Sa bawat katanungan ay maraming kasagutan. At sa bawat kasagutan ay marami rin katanungan. Ngunit ang lahat ng ito ay walang katiyakan. Kung saan ang hangganan yan ay hindi ko rin alam...
:mula sa pagpapalaya ng isip at damdamin ng may-akda sa pagsulat at pagpinta:
←↑↓→
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento