
Panahon pa noon ng diktador. Na kung saan ay uso na ang musikang pinoy. Panahon ni Maria Cafra, Nena at Iskul Bukol. Hindi ko pa alam kung sino nga si Kenkoy...
At may biglang sumabog sa Plaza Miranda. Walang isang taon, martial law na pala. May gatas pa ako sa labi ng mamulat sa pulitika. Palaging may karpyo, maraming militar sa kalsada...
Palagi pa noon walang kuryente. Hindi pa uso ang colored, black and white pa ang tv. Palaging may gulo, mainit ang ulo ng marami. Marami rin ang nagtiis na kumain ng kamote...
At may isang tao na hinuli at ikinulong. Itinago sa lahat upang huwag makapagsumbong. Nangulila at nagkasakit sa Amerika ipinatapon. At nang gumaling ay bumalik para patayin lang ng ganun-ganon...
Ngunit ang bayan ay nagalit sa nakita. Nag-aklas, nagwala, ibinaling sa pulitika. Mga kabataan ay hindi na pumapasok sa eskwela. Andoon at nagra-rally patungong Mendiola...
Nasobrahan na tayo ng hindi magandang kasaysayan. Mga mabubuti ay pinatay at pinaslang. At ang inaakala nating mamabuti at maiinam. Wala ring binatbat, mga wala rin pakialam...
⊙ kailan maiibsan ang kabiguan at kahirapan ⊙
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento