
Gusto kong ibigay ang lahat ng gusto mo. Karangyaan kaligayahan dito sa ibabaw ng mundo. Hahamakin ko ang lahat, gumanap lang para sa iyo.
Walang makakahadlang sa makamundong nakahihilo...
Ngunit ako'y aba, walang pag-aari ni kahit isa. Walang kayamanan na inaasam mo sinta. Ang tanging alam ko lang ay umupo at kumanta. At sumulat, umukit o kaya ay magpinta...
Hindi ko kayang gumawa ayon sa gusto ng iba. Matigas ang ulo ko hindi ako nagpapadikta. Tadtarin mo man buto ko't kaluluwa. Hindi ako maaantig, patayin man sa dusa...
Mahal na mahal na mahal talaga kita. Walang maihahambing sa anong sarap na ligaya. Pag-ibig ko sa iyo'y walang kasing wagas na pagsinta. Ngunit hindi ako angkop sa mundo mo'ng maharlika...
Kaya ngayon andito lang ako. Ganoon pa rin, walang pinagbago. Maiinis ka lang sa akin kapag tititigan mo. Kasing-tigas pa rin ng baliw at ng sira-ulo...
⊙↑⊙
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento