
□ Mag-aral magsulat at magbasa ng huwag maging tanga. Ito ang sabi ni ina noong ako ay bata pa. Araw-araw ay tinuturuan bago pumasok sa iskwela. Mapa-"abc" o mapa-"abakada"...
■ Ano ba ang halaga ng magsulat at magbasa? Makatutulong ba ito sa aking pag-aasawa? Makakatulong ba ito sa aking pagsasaka? Sa langit ba ako mapupunta kung magaling akong sumulat at bumasa?...
□ Kung ayaw mo ay 'di 'wag mo. Pagpipiyestahan ka lang ng mga manloloko. Sa isang iglap kayang kunin yang sasakahin mo. Iiwanan ka lang pati ng magiging asawa mo...
■ Bakit naman? Hindi naman ako lalayo, gusto ko dito lang. Titigil na nga raw ako sabi ng aking mga magulang. Hindi ko na raw kailangan na pumunta ng paaralan. Para lang daw yon sa mga mayayaman...
□ Hindi kita masisisi tutal bata ka pa naman. Pag-isipan mo na mabuti tutal para sa iyo din yan. Balang araw iyo din yan na masusumpungan. Ang sumulat at magbasa ay malaki ang pakinabang....
: mula sa magpinsan na nagkakatandis :
a ba ka da e...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento