
▲ Simula ng matuto'ng bumaba ang tao sa puno. Marami ng kailangan isuot na bago. Natuto na tayong lumakad at tumakbo.
Natuto na tayong tumayo ng diretso...
Kung palagi kang yapak, paa mo ay lalapad. Sakong mo'y gagaspang, magbibitak-bitak. Magkaka-kalyo, kakapal ang balat. Mga kuko sa paa ay magku-kulay bayawak...
Kaya naman inimbento ang tsinelas. Sumikat sa Tsina, Japan at Pilipinas. Masarap nga namang isuot, masarap din na ilakad. Huwag na huwag lang mapuputol o mapipigtas...
Kaya naman itong sapatos ay sikat na sikat. Mas pangmatagalan, paa mo pa ay ligtas. Huwag lang kakalimutan na magpalit lagi ng medyas. Baka umalingasaw, ay naku po!, baka buhok sa ilong ay mangalagas...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento