Mag-isip ka ng mabuti, ikaw na may hawak na baril. Ikaw na may hawak na granada at mga balang kumikitil. Ano ang dahilan maari mo ba itong sabihin? Hanggang kailan magtutugma ang dalawang mukha ng adhikain...
Sa bawat sugatan ay galit ang nasa isipan. Sa bawat namatayan ay ganti ang nararamdaman. At sa pagpapatuloy ng ganitong klaseng labanan. Paulit-ulit lang na may masasaktan, paulit-ulit lang ang madalas na kamatayan...
Kaya ikaw ay mag-isip, ikaw na may hawak na baril. Nasa iyo ang kasagutan kung ikaw ay kikitil. Kung sa pagpatay nga ba, doon ka naaaliw. O mas maigting ang iyong ligaya kapag may hawak kang baril?...
..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento