TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Oktubre 30, 2011

¤Ikaw¤



Ipakita mo sa akin ang iyong mga paa, at sasabihin ko sa iyo kung sa anong lugar ka nakatira. Ipahawak mo sa akin ang iyong mga kamay at sasabihin ko sa iyo kung ano ang iyong ikinabubuhay.
Tumitig ka sa aking mga mata at sasabihin ko ang mga bagay na gusto mong makita. At ang mga balahibo mo sa katawan ay wari-waring naka-antabay sa kahihinatnan...

At mag-iisip ka ng may kaba. Iisipin mo kung narinig mo na ba ito o iyo ng nadama? Habang ang dibdib mo ay patuloy na balisa. At mag-iisip kang muli hanggat hindi nakukuntento ang isip mo sa napupuna...

Dahil ang gusto ko lang ay palawakin pa ang iyong pag-iisip. Sayang naman kung hindi mo madalas na ginagamit. Marami pang pintong bubuksan sa bawat sulok ng iyong isip. Makakasumpong ka ng mabuting pang-unawa kung ipapagpapatuloy mo ito ng walang paghinanakit...


The reasonable man adapts himself to the world; the unreasonable one persists in trying to adapt the world to himself. -George Bernard Shaw


..Y,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento