Alak daw ang sagot sa tuwing may kalungkutan. Alak din daw ang sagot kapag may kasiyahan. Alak din daw ang sagot kapag may katarantaduhan. Problema lang ay kung may pambili o meron pa ba'ng mabibilihan...
Alak, alak, alak pa at alak. Sigaw nitong si Juan na kanina lang ay kukurap-kurap. Alak, alak, put...tangna, alak!. Katatahimik kanina, ngayo'y kagagalas...
At saglit pa'y si Juan umiiyak. Parang batang inagawan ng tsinelas. Nagbago ang anyo sa paghagulgol ng hayupak. Ito palang si Juan ay may istoryang masaklap...
Tagay, sige tagay. Lunurin natin ang hinagpis nitong buhay. Sge kuwento, sge salaysay. 'tang-na talaga itong buhay...
Pero wala pa rin, hindi mapigilan. Paingay ng paingay ito'ng lasenggong si Juan. Tagay ng tagay, 'di mapigil walang humpay. Hanggang sa madasmag at mawalan na ng malay...
He begins to die who quits his desires. -English Proverb
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento