TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Mayo 16, 2011

△Asa Ka△



HIRAP.
Kapag hirap ang bukang-bibig. Kahirapan ay papasok. Subukan na mag-isip ng mahirap at siguradong hirap ang mananaig. Kaya ang palaging nagsasabi ng kahirapan ay asahan na puro lumbay at hinagpis.

SIKAP.
Ito ang ipalit mo sa salitang hirap. Gamitin mo palagi at sigurado ang pag-angat. Pagsikapan ang tama hindi ang paghirapan. Kaya bawat gagawin ay mas mabuti na pagsikapan kaysa sa paghirapan. Dahil ang kahirapan ay kamatayan.

SARAP.
Hirap, sikap at sarap. Alin ang pipiliin mo sa tatlong nakasulat. Alin ang isasaksak mo kung ang utak mo ay payak? O baka naman puro ka lang pa-cute pero walang laman ang utak.

MAHAL.
Ano ang ibig sabihin sa iyo nitong salitang 'to? Kung ikukumpara sa bilihin at sa iniibig mo? Alin ang mas mahalaga, alin ang uunahin mo? Hindi ko nga rin alam kasi nga mga walang kwentang-tula 'to. Mag-isip ka na lang, kasi walang taong-bobo. Sabi nga ni Loloy mga tanga lang at gago.


The value of an animal lies in its body size, but the value of a human being is in his manner. -Bhikku Wongsin Labhiko


.. Y,



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento