TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Nobyembre 28, 2010

≈ t'boli ≈




"Hayulafus" sabi nitong t'boli. Sagot ko'y magandang umaga rin at mabuti. At nang humapon na'y nag-salita siyang muli. "Hayukima", "hayukima". Magandang hapon kaibigang-pogi...

"Hayukifu bielem", magandang-gabi-i. Magandang gabi rin sa iyo,
"kinu-onni".
"Kinu-onna" na ba ako, ha-hani?
Salamat, "kinu-onnawam" kapag maganda ang yong ugali...

Iba-iba man ang wika, iba-iba man ang salita. Importante'y naramdaman ito nitong ating pang-unawa. At kung ang bawat salita ay bago sa huna-huna. Mapalad ka't nasumpungan mo, isip mo'y 'di na manghihina...

Malamang ay 'di mo maintindihan ang ibig ko'ng sabihin. Kung baga sa pagkain na 'di mo pa nakakain. Tulad ng mga prutas o iba't ibang lutuin. O kaya'y makahihilong masasarap na nakakalasing na inumin...

Tulad ng panaginip na walang istorya. Yun tipo'ng pag-iisipin ka't bakit iba't iba ang eksena. Yun tipo'ng 'di takot magkamali pero kaba'ng kaba. Yun tipo'ng bakit ang hirap tumakbo sa panaginip na sa palagay ko'y gano'n din ka...

Ngunit gano'n pa man na kahit hindi ko sila naiintindihan. Ako naman ay kanilang nauunawaan. Kahit lahat ng pinag-aralan ko'y walang-gamit sa gan'to'ng usapan. May sisibol at sisibol na bagong pagkaka-intindihan...

Dahil bago sa akin, bago rin sa kanila. Bago ang lahat simula pag-gising sa umaga. Bago ang gawain, bago ang panlasa. Bago ang gabi, bago ang inumin sa lamesa...



You teach me, I teach you. -jacob Tuyn




..Y,

Sabado, Nobyembre 27, 2010

> teki <




Ikaw ang "wallpaper" ng buhay ko. Ilang "gigabytes" kaya itong "memory" ko? At paikot-ikot ka lamang dito sa utak ko. Ikaw na nga ang "theme" ng buong pahina ko...

Walang binat-bat itong "facebook". Kahit itong "myspace" 'di aabot sa iyong tuhod. Malakas ang" connection" kahit bagyo buong maghapon. Ikaw ang taga-"download", habang ako ay nag-a-"upload"...

Ang "keypad" mo'y kay sarap pagpipindutin. Pati yang "mouse" mo na sa gitna ay may kuntil. At ang "LCD" mo na talaga namang "wide-screen". Para kang "search", "google" ka sa 'kin...

Yahung-"yahoo" ako sa iyo palagi. Hindi na kita maiwan, kasa-kasama kita lagi. "Bluetooth"-tang madalas na talagang kawili-wili. Kahit pa mag-"brown-out", ang "battery" ay "full charge" palagi...

download...
upload...
download...
upload...
download...
upload...




Yeahh.....




Let's expand. -Mark Zuckerberg

Linggo, Nobyembre 21, 2010

) Juan Kuwan (




Sayang ang katalinuhan kung hanggang sa bibig lang at isipan. Kung hindi gagampanan ng buo'ng katawan. Sayang ang ideya, utak at yabang. Kung hindi naman ikikilos mga salitang kahambugan. Sayang naman ang titig mo mula sa iyong katayuan. Kung hindi mo kayang linisin ang iyong paanan. Sayang na sayang, sayang kaibigan. Kung nakatali ka sa sarap ng katamaran...

Ang dami mo'ng dahilan, ang dami mo'ng sinasabi. Nguya-ka-ng-nguya, unga mo'y 'di na nakakawili. Tuloy mga kamay mo'y naging sungay na magka-pake. Sayang talaga sayang, at 'di ka nakaka-intindi....

Kilalang-kilala mo siguro itong si Juan Tamad? Kapatid ni Juan Tama at ni Juan Masipag. Kaso si Juan Tamad na-impluwensyahan ni Juan Kumag. Kaya itong huling dalawa'y naging si Juan Kuwan at Juan Kukupad-kupad...





Kapag sobra sa higa at kulang sa gawa. Asahan mo'ng ika'y lalong manghihina. -Heber Bartolome





:'(

Linggo, Nobyembre 7, 2010

Habagat Muli




Lalarga na naman tayo. Saan tayo dadalhin nitong ikot ng mundo? Ano na namang kababalaghan ang umakit sa 'yo? O may himala ka na namang gagawin tulad ng salamangkero?..

Wala, mamamasyal lang ako. Babaybayin ko lang ang dinaanan nitong banal na kaibigan ko. Hihimayin ko isa-isa bawat sulok ng semento. At pupunasan ko ng lupa bawat kulay bawat debuho...

May mga pagkakataon na nagngangalit ang init. Yung tipo na parang balat mo ay pinupunit. At sa pagsapit ng hapon, lumuluha itong langit. Waring nagdaramdam sa lumbay na nananaig...

At sa gabi nitong katahimikan. Tawag mo ang siyang pananggalang. Nakakabawas ng pagod sa maghapon na bilaran. Pampahimbing ng tulog, habang tinig mo ay ninanammam. Mainaw na sandatang panlaban sa kalungkutan...

O ano Habagat, para na naman tayong nasa Bali. Tayo na namang dalawa ang siyang magkatabi. Tulad ng sa Boracay, Camiguin at Mati.
Saksi ka na naman sa bawat panibagong nangyayari...


My favourite car is my next car. -Enzo Ferrari