Padami ng padami, mga tao klase-klase. Walang gabay at edukasyon, umaasa sa kalye. Mapa-lalaki, mapa-babae, barumbado ng lumaki. Tumatalas ang isipan habang kabutihan ay isinang-tabi...
Ngunit meron din naman mga ipinanganak sa karangyaan. Lumaki sa luho at sobrang kalabisan. Lumaki rin na barumbado nanghalay sa walang-laban. Tuloy ang kinalabasan doon din sa kulungan...
Mga lumaking walang-malay sa halaga nitong buhay. Biktima ng kapabayaan, hinalay ng kasakiman. Ang maka-sakit sa kapwa ang siya nilang kaligayahan. Kahit pa ito umaabot hanggang kamatayan...
Saan nga ba talaga, saan nga ba nagkulang? Nasa anak nga ang diperensya o nasa magulang? Sino nga ba ang salarin sa ganitong kalagayan? Ano ang mangyayari kapag ito ay pinabayaan?...
Ang sabi ng iba'y, "Gano'n talaga, wala kang magagawa." Ang sabi ng isa'y "Magpakarami pa at magpakaraya." Sari-saring salita, sari-saring panukala. Hanggang sa dumami-ng-dumami kaya hayon wala rin'g nagawa., Kaawa-awa...
At dumating na nga panahon na hinihinala. Panahon ng pagdami ng walang-muang na madla. Hubo't hubad ng ipinanganak, buto't balat ng tumihaya. Dumaan lang sa anyong-tao saka bumalik sa pagka-lupa...
Sayang ka tao kung hindi nasumpungan ang buod nito. Sayang ang ligaya kung may mas nananaig na gulo. Sayang na sayang talaga kung palilipasin lang ito. Sayang ang panahon, ba't pa baga naging tao?...
Where there is shouting, there is no true knowledge. -Leonardo da Vinci
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento