TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Setyembre 26, 2010

-Tao at Baril -




Baril, baril, ano ang iyong hatid? Tagapagtanggol ka daw gamit 'for peace'. Inimbento ka raw para lahat ay may ngiti sa "face". Pero para yatang mali, naging instrumento pa ng "hate"...

Kabado na, kasubuan na 'to! And'yan ng mga tao, papatay na ako. Kita-kita sa "t.v.", maririnig din sa mga radio. Yon nga lamang ang kapalit, tepok din ako...

Mas malala ang nakikita mas tutok ang "media". Dahil mas marami ang manonood kapag "live" ang istorya. Eh ganon talaga eh, para nga'ng pelikula. Kaya todohan na 'to!, putang-ina!!!

Lalaki eh! Anong magagawa mo,?! Barumbado daw ang tunay na lalaki, lalo na kung armado. Pinalaki ng nanay, inaruga ng todo? Ano nga ba ang dahilan ng pagka-lalaki ko?..

Hindi ko alam?, nalilito ako..,. Habang ako'y nag-iisip, napisil ko ang gatilyo. Nakapatay ako dahil sa kaba ng dib-dib ko. Kaya heto nga at talagang kasubuan na 'to...


Beng!!!



Baril ang instrumento sa naganap na patayan. Kung wala itong baril, wala sanang namatayan. Wala sanang sinisisi, wala sanang kahihiyan. Wala sanang sana, wala sanang nasayang..

Kaya ikaw na may baril, mag-isip ka ng mas mainam. Huwag mo nang isipin na lagi kang may kalaban. Kung sarili ang iniisip, huwag baril ang hawakan. Bagkus harapin mo ito at unawain ng walang pag-aalinlangan...


Good actions attracks peace and harmony, then happiness will follow. -anonymous




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento