
Tapos na ang panahon para mag-isip. Matingkad na ang araw, painit na nang painit. Malamig na hangin dagliang umaalis. At sumisingaw ang lupa sa mga ilog at batis...
At lulutang sa mga ilog mga patay na isda. Tubig ay malalason huwag iinom na kusa. Mababangis na hayop maglalabasan sa lungga. At makikihalubilo sa lahat ng madla...
Matindi ngayon ang tag-tuyot. Bitak sa lupa ay papalalim ang ina-abot. Tinutuyo ang pananim, sa tubig ay kinakapos. Pagkain ay kukulangin at hindi mapa-inog...
Kilos at maghanda. Kalikasan ay nagbabadya. May malaking pagsubok na sa atin ay naka-damba. Pansinin mo iyong paligid kung ligtas ka sa babala. Kailangan na magmatyag 'di lang sa 'yo para rin sa iba...
^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento