
Ano ba'ng meron ito'ng isang puno? Pirming nakatindig, pirming nakatayo. Minsan ay natutuyo, minsan nama'y lumalago. Ito kaya ay nagbubunga o tirahan ng ibang-anyo?...
May mga dumapo na ilang ibon. Habang may tinutuka sa sanga at dahon. Sa balat ng puno'y may butiking nakakanlong. At sa ilalim ng ugat ay may mga langgam na nagpuprusisyon...
At sa bandang itaas ay may dapong nakatubo. Pinapalibutan ng lumot at maliliit na pakò. May makukulay na bulaklak, parang tahong parang puso. Habang pinasasayaw ng hanging nangsusuyo...
At sa lilim ng puno may mga batang naglalaro. Pilit na inaakyat upang sa sanga'y maka-upo. Pataas ng pataas sa tuk-tok nitong puno. Gustong masilayan ang lawak ng buho...
May paparating, ang may ari ng puno. May mga kasamang dala'y palakol na panggupo. Handa na nilang tibagin ang matayog na puno. Dahil hindi daw nagbubunga ng prutas na matitino...
:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento