
Sa kanto ng kalsada, ganito palagi ang eksena. Araw-araw, tuwing umaga. Nakatumpon itong basura.
Saan kaya nanggaling? Saan kaya dadalhin? Sino ang nag-imbento na ito ay padamihin?
Maganda ba itong pamana para sa mga apo natin? Malamang sa hinaharap, marami silang poproblemahin.
Darating ang panahon kalawakan ay makakatikim. Nang sangkatutak na basurang pinagpyestahan natin.
Hindi nakapagtataka balat ng mcdonald sa Andromeda. O supot ng jollibee sa mga kalapit na planeta. Sirang gulong, sirang tv sa pusod ng supernova. Magsasawa sa katatapon sa lawak nitong galaktika...
Hala sige! TAPON pa!.