
Ang langit ay sining. Nagtataglay ito ng liwanag at ng dilim. Kumukulay ang ulap sa bughaw at sa itim. Waring nagpipinta ng kanyang sariling damdamin...
Ang hangin ay sining. Ang nagpapakilos sa mundo, sa araw at sa bituin. Ang hininga ng buhay, halimuyak ang laging kapiling. Sumasayaw-sayaw kahit hindi napapansin...
Ang lupa ay sining. Eskultura ng kalawakan kung ito ay wawariin. Sari-sari ang hugis, kumikilos ng 'di pansin. Tulad ng mga planeta na sa araw ay nakakiling...
Ang tubig ay sining. Bagay na sa liwanag, lumalabas ang ning-ning. Parang pelikulang kay hirap-hirap hanapin. Sa buong kalawakan ay iisa lang kung ituturing...
Ikaw ay sining. Babae kang kapansin-pansin. Kagandahan mo'y walang kahambing. Sa lahat ng nilalang ikaw ang pupurihin...
Ako ay sining. Katangi-tanging alay na kumilos at sisihin. Tapunan ng galit makasalanan kung ituring. Palibhasa lalaki, maraming ibig na gawin...
▲△ㄆ★ㄔ♀♂ㄘ▲
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento