
■ Hindi marunong sumulat. Hindi marunong bumasa.
Walang mga ama. Walang mga ina.
Pagala-gala, patakbo-takbo, sa malawak na kalsada.
Ang pinaglalaruan?. Pera at kwarta...
■ Tinanong ko ang isa. Bakit hindi kayo nag-i-eskwela?
Tumingin lang siya sa akin at sumagot ng 'Ha?'..
Tinanong ko uli 'Bakit 'di kayo nag-i-eskwela?'
Sumagot ang bata ng 'Wala kasi kaming pera.'...
■ E saan naman galing yang pera n'yong nilalaro?
Galing po 'to sa benta ng bakal at tanso.
Ang iba po ay limos, ang iba po ay hulog.
Penge naman kuya, kahit singko pesos...
■ Huwag na lang, isusugal mo lang.
Hindi po kuya. Ibibili ko po ng pan.
Wala pa po ako'ng kain. Wala pa po'ng agahan.
Sige na kuya, kahit dos na lang...
■ Yan din ang sabi mo sa akin kahapon.
Isinugal mo rin, para mo na rin itinapon.
Hindi na kita bibigyan, kahit na pisong bingkong.
Heto ang saging na pang-tawid sa iyong gutom...
■ Sa kalagayan nila, ang buhay ay sugal.
Palaging talo, kahit itaya pa ang buhay.
Walang kasiguruhan, sa numero nilang taglay.
Kanilang kinabukasan, itinataya sa sablay...
↓⊙↓
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento