
△ Ikaw, ako, sila, tayo. May pusong mararamdamin, may isip at talino. Papaano mo ginagamit ang biyayang tinatamo? Saan mo dinadala ang hangarin ng puso?...
▲ Ako pa ang tinanong mo, wala ako n'yan. Putangina mo!¡ ginagago mo ako kabayan. Wala akong ina, lumaki sa lansangan. Wala rin ama, apelyido ko nga! 'di ko alam...
△ Pagmamahal laman ang iyong sandigan. Tulad ng punong-kahoy na ang bunga'y walang patlang. Tulad ng bahaghari mula sa init at ulan. Tulad ng lupang umaaruga sa palayanan...
▲ Hay naku! Tol ang kulit mo. Ni wala nga akong makain pagmamahal pa yang sinasabi mo. May pabahaghari-hari ka pa, ano ka hilo? Paano ako makapag-iisip e walang laman sikmura ko...
△ Simulan natin sa ating sarili. Hanggat maaga, gumawa ng mabuti. Ang ibinigay ay sya ring ganti. Magtiwala kang ikaw ay bubuti...
▲ Ewan ko ba? Bahala na? Kung may tutulong ba e di maganda? Pero kung wala siguro mabuti pa. Patayin mo na lang ako at ipakain sa buwaya...
:▲△▲△▲△▲△▲:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento