
Muli kang naibalik sa mapa ng mundo. Nasaksihan ng lahat ang mga tunay na pilipino. Mapagmahal, mapagtiis. Dalisay at mapanibugho. May dignidad na matatag hinding hindi pagugupo...
Panahon na muli na tayo ay mabuo. Pag-isahin ang damdamin at sa Diyos ay isuko. Kristiyano man o Muslim. Buddhìsmo man o Katutubo. Sa kapanatagan ng pagbabago. Doon tayo nagkakasundo...
Likas na sa mga pilipino ang galing at talino. Matapang matatag hindi patatalo. Mahirap pasukuin ano mang hirap pa nito. Sa sipag at tiyaga palaging determinado...
Ngunit may pangilan-ngilan na marupok ang kalooban. Mahina ang puso sa labis na kapangyarihan. Natutong magnakaw. Ano kaya ang dahilan? Nilulunod ang sarili sa apoy ng kalayaan...
Ang mapaglabìs ay sukdulan sa kaligayahan. Gusto pang makamit ang kakarampot ng ilan. Diskriminasyon sa antas nitong ating kabuhayan. Hinahayaan na magpa-alipin, kayumangging-lahi sa dayuhan...
Simulan nating muli. Pilipinas ay iangat. Marangal na tao. Marangal na bukas. Magdangal ka pilipino ng respeto ay malasap. Upang paggalang ay maibalik saan man tayo mapadpad...
DAHIL MAS MASARAP, ANG MAGING TUNAY NA PILIPINA AT MAGING TUNAY NA PILIPINO
⊙
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento