![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjZgTC0Sv3fWqkwKu5vUACSOJFnD_C22vQge5lVHUqCAuPA5oSONXYGqWBlL7HVSrgDZqqbUkVF1HxjxiTfWCsXg67phFRCv8rPCUC9Kgwu3ZGxNEju49SweJds58iaYnn16AFYvn6gadI/s320/image-upload-34-772289.jpg)
△Tag-tuyot! Tag-uhaw! Hihigupin ka ng araw. Lupa ay mabibitak. Bundok ay mauupaw. Magkukulang ang tubig, marami ang matutunaw. Maging isda ay apektado. Magsisilutangan sa ibabaw...
(Global warming?)
(Energy saving?)
At habang umiinit marami ang gusto'ng magpalamig. Todo ang "air con", "electric fan" at "ref". Sarap na sarap kumain ng "ice cream" at "banana split". Habang nanonood ng "pirated DVD" na "Ice Age"...
(Diego!)
Malamang na uso rin ang sunog. Lalo na sa masisikip at dikit-dikit na sulok-sulok. Kapag ikaw ay nakulong sa makapal na usok. Pupulutin ka'ng parang piniritong-manok...
(Sunog! Sunog!)
Uso rin ang sakit sa balat. Alipunga, galis, an-an at libag. Magkaka-"sore eyes" kapag minamalas-malas. Pagpapawisan ka ng maalat-alat...
(Amoy limpi! Maligo!)
Sa palagay mo ba meron tayo'ng magagawa? Sa pag-iba ng panahon na lalong lumalala. Na kung tutuusin tayo ang nagka-sala. Sa mabilis na pagbabago, na tayo naman ang may gawa...
(Ha? Beybi ng alin? Mainit ba kamo?)
△△△△◎△△△△
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento