![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhIpMMBA86wLCVMPodBla6Z7gzTLCntv5WuiCthTpUYREsbqRQ-XSDUknd23vNUlkONRq3tcomcLKYZRI3ZyCN495EHYgdjLX5RTmOSObSWjxnRBiRvRN71O-eeZBsay3_si6MVezl54Wg/s320/image-upload-92-773342.jpg)
▲Klase-klase ang pangalan nito'ng mahiwaga'ng saging. Pati lasa at kulay , maging sa hugis mapapansin. May pwede ng kainin, may pwede rin lutuin. Ganoon pa man, isa ito'ng ligtas na pagkain...
(e ang kamote?...)
Sa pagdaan ng panahon, sa pagbabago ng matsing. Dumarami na sa atin ang tagihawatin. Payo ko lang ay kumain ng saging. Tingnan mo ang unggoy walang tagihawat kahit na katiting...
(may kalyo naman sa pwet)
Ummhhh... Masarap din ito'ng saging na turon. O kaya banana-k-yu ni aling Isyon. "Banana chips" kaya?. Ah! walastik ni Marion, yung may kinudkod na yelo, na may "leche flan" sa ibabaw, tapos may "sweet beans", ube, gulaman, pinipig, sago at maraming-maraming gatas. Ahhh.. Sarap!!!
(walastik! eh halo-halo na yon!!!)
;mula sa hindi mapakaling lalamunan ni Mang Kiiting Saging:
"""""""§""""""""
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento