![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiWA3n-6hq41qUv3MvqgkCsT2bbroQkcHRBcMAYnwyD4c9GfNfZv2d9B55hDgyp7_YOpHKu8-nB-5jpze0RieQBD6ESj5xR6ISkFPS-BJFGE0wA2fP30IfcPtrCQuugE-94vYX1LhZ_QYY/s320/image-upload-25-718980.jpg)
≈Pamilyar ka ba sa ganitong alamat. Nakamulatan na natin 'to sapul ng tayo ay ipinanganak. Nababasa natin ito saan man tayo mapadpad. Kahit saang sulok, kahit saang bungad.. (Bawal Umihi dito!...doon pwede)..
Sa unang banda ay may mali dito. Yung dapat na "U", ginawa niyang "O". Gusto kong tumawa, pero napa-isip ako. Syanga pala wala ako sa aking teritoryo... (hahaha,haha..um!.gago!)..
Baybayin nga natin mga pinagmulan ng letra. Ke tagalog ka o bisaya, ilukano o bikolana. Sa "ALIBATA", ang "o" at "u" ay iisa. Ganon din ang "e" at "i" ay magka-pareha.. (uuhhuu..pwede,uhhu..)...
Alalahanin din natin na ang Pilipinas ay isla. Hindi lang iisa kundi mas higit sa marami pa. Sa bawat pagtawid, sa ibat-ibang pulo nitong balsa. Salita din ay tumatawid, nag-iiba ang tunog, naiiba ang letra..(naeeba.. ..naeebak aku..)...
Minsan ang tama sa atin, sa iba ay mali. At ang tama sa iba, sa atin ay mali. Kaya kung ikaw ay pirmi lang, sa iyong haus o "crib". Subukan mong lumabas, pumunta sa lugar na iba ang "speech". Wala kang makikitang tama, lahat sa iyo, ito ay pag-kaka-mali...(unsa man na..unsa man ni)...
Kaya ang payo ko sa iba ay lumabas. Kulang ang dalawampung-taon para ikutin ang "Pilipinas". At nang ang diskriminasyon ay mabawasan sa utak. Mga pintasero!, mga pintasera!. Subukan ninyo ang maglayag...(pag-syor oy¡)..
Huwag ng mag-isip. Lumabas ka dyan at minsan kang mag-pa-init. Maglakad-lakad sa pader ng daig-dig . Basahin ang nilalaman. May mga alamat itong bit-bit..(yun o¡..you know)...
:mula:- sa pader ni pader Damaso Minamaso.
AEIOU UOIEA AEIOU(Optimus Prime)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento