![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhSB2C6lbzQBqlaPbkEWLn1CuZr_6Iyim1quH0ePWOQXxvFBIQOlSjHMxhk2vIga55_MsP1lk3fIR36q2QPACwvuvGFPuWbaZB889c6BIgP1zvruSDL2ncNNGqcyssZw13D7NUFyPdlOdw/s320/image-upload-108-763712.jpg)
±Bawat likha ay may dahilan. Bawat bagay ay may pinag-gagamitan. Sa bawat butas ay may dumadaan. Sa bawat asal ay may kabuluhan..(tulad ng ano?)...
Kung ang muta ay sa mata. At ang kulili ay sa tainga. Ang kulangot ay sa ilong at sa ngipin naman ay tinga. Ano kaya ang sa kuyukot? Dapat bang sabihin pa?(wagna..wagna..)...
Kapag may ugnayan, may sistema. Kapag may proseso, may resulta.
Kapag may kumunidad, may kultura...(gano'n lang yon! Kasimple)...
Walang lumundag na hindi bumagsak. Palaka man yan o tipaklong na payat. Walang pumikit na hindi nagmulat. Kahit ka pa duling, kahit ka pa bulag..(eyy yung gulat..pa'no?)..
Eyyy..'di bahala ka na. Malaki ka na.
±±±±±±±±±±±±±±±±
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento