TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Abril 8, 2009

“Si lolo“


Aaani-anahaha, aaani-anahaha. Kanta ni lolo. Kapag siya ay masaya. Tuloy buong bahay ay maligaya.
Umi-edad, kulubot na ang balat. Laging hubad, ayaw maligo, nag-kalat ang ebak. Gusto ay laging mamasyal o maglakbay sa dagat. Dati raw syang sundalo. Sa “Vietnam“ ay sumabak. Uliyanin na talaga, kung anu-ano ang isinusumbat. Makitid na ang isip, hindi na maka-dinig. Minsan ay umi-iyak, minsa'y humahagik-gik. Minsa'y gustong maghukay sa balon nitong tubig. Mayron syang hiling bago man lang daw pumanaw. Anak! Por pabor. Por pabor. Kung maaari ipasyal mo ako sa “Singapore“.Por pabor! Por pavor!




China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento