TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Abril 8, 2009

“Ang Anak“


Ang kaisa-isang bugtong na anak. Pinag-aral, inaruga! Ngunit lumaking balasubas. Pasaway, may sungay, mahilig maki-pag-away. Basagulero, tarantado, mainitin ang ulo. Barumbado. Ubod ng tuso. Palagi sa inuman. Tambay kung saan-saan. Nag-dadamo, bumabatak, hari ng daan. Duma-dami, ruma-rami, problema ng bayan. At nang lumipas, kanyang kabataan, nag-isip-isip, kung ano ang dahilan. Nagtatanong kung ba't nagka-ganyan. Naging mapusok, walang uliran. At lumipas pa ang mahabang panahon. Natuto na ang loko, kumayod, umahon. Nag-trabaho, nag-sikap. Bumabawi sa panahon. Sa “Saudi“ ay dumayo, inisip ding mag-“America“. Sumakay ng barko, tumungo ng “Europa“, 'di pa nasiyahan, kumayod sa “Canada“. Para daw magka-pera. Makapag-asawa ng maganda. At lumilipas din, ang anak ay gumaling. Natutong gumalang, hindi na laging lasing. Sa paglalakbay marami siyang narating. Patuloy na natu-tuto, patuloy pang gumigiting.




China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento