Salamat... Bukas Sabado. Walang pasok! Akin ang mundo. Pupunta ako sa bundok ng Talino. At lalangoy sa batis ng uwido.
At sa aking paglalakad, kasalubong ko, alagad ng batas. Tinanong ko s'ya, kung saan ang landas? Patungo sa batis na walang dahas.
Diretso lang aking kaibigan. Magmula sa kanto, lumiko ka ng kanan. Sa dulo, merong simbahan, sa likod, ando'n lang ang daan.
Maraming... marami pong salamat. Naka-bihis kayo, saan po ba ang lakad? May kasiyahan, ako'ng pang-bungad. Baka kasi may mang-gulo sa kalsadang malapad.
O sige po, salamat pong muli. Tuloy ang lakad habang nangingiti. Sa ganda ng lugar. Ayaw ko munang umuwi.
At sa aking pag-liko. May batang naka-upo. Humihingal, yumu-yuko. Waring merong itinatago.
Inalok ko siya ng tubig. Tumanggi s'ya't sabay umalis. Sagot lang n'ya'y Bomba! Bomba!, para sa malapad na kalsada.
Palabirong bata, malikot ang isip. Nagpatuloy ako sa aking ninanais. May isang binata, sa akin ay papalapit. May dala-dalang mahabang bit-bit.
Bumati s'ya sa akin. Saan daw ako papatungo? Tugon ko ay sa batis. Sa batis ng pag-suyo.
Ngumiti s'ya sa akin, may gusto pang sabihin. Meron daw s'yang awitin. Tug-tog..., palit pagkain.
At sa himig nitong payak. Puno ng dusa at habag. Awitin na mas mainam. Kaysa baril at tabak.
Na-antig ako sa inawit niya. At sa ibinigay ko, mukha niya ay sumigla. Ang simbahan, natatanaw ko na. Malapit na ako sa batis ni Majika.
At sa likod nitong simbahan. May isang dalaga sa 'di kalayuan. Sa sayaw niyang wari mo'y lumilipad. Walang saplot, hubo't hubad.
At ako'y kanyang nakita. Lumapit s'ya't nag-pakilala. Isa daw s'yang prinsesita. Lumuhod daw ako't humalik sa paa.
At gano'n!, gano'n na nga!. Nakalampas, pasang-awa. At burol nitong tadhana. Kasalubong ko, isang matanda.
At sa unang pahingahan. Ang matanda ay nag-bigay alam. Sa gilid ng talon, doon ka dumaan. Sa ma-bulaklak na akyatan.
At sa tuk-tok ng talon. May halaman na pula ang dahon. Iyong ka'nin, bulaklak na umusbong. Umupo'ng saglit. Tanawin ang nayon.
At sa aking pag-tayo! Mayro'ng usok sa kabilang dako. At sa aking likuran. May diwata na naka-turo!
Bumilis! Tibok ng puso. Aatras ba o papatungo? Sampung hakbang pa-palayo o sampung hakbang sa Batis ng Pag-ibig Mo.
PBA09nps9n85
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento