Tuwing ako ay nag-iisa,. Naa-alala kita. Lalo pag ganitong malamig, ako'y kinikilig. Hindi mapakali, di rin mapalagay. Dahil ba sa mukha mo at makinis na kamay. Naa-alala ko ang walang humpay mong salita. Tinig na uma-agos sa isip kong balisa. Habang mga mata ko'y gusto nang lumuha. Sa makabog dibdib na talinhaga. Palagi ka sa aking panaginip. Ang iyong mga matang sa akin ay nakatitig. Sa daan na makipot at masikip. Nandoon ka, kumakaway, sumisitsit. Naa-alala ko tuloy malamig nating kama. Humihiyaw na bulong sa isip ko'y buo pa. Habang ang kidlat, tahimik na guma-gaya, sa dalawang hubad na pinag-iisa. Naaalala ko..., naaalala ko..., naaalala ko lang..., o aking sinta.
China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento