TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Pebrero 1, 2009

"Pebrero"


Pebrero na! Buwan ng pagmamahal. Kahit wala kang puso, ikaw ay magmamahal. Wala ka mang pera o di ka man banal. Asahan mo pa rin kahit di ka magdasal. Naka-gawian na siguro pag buwan Pebrero. Kailangan mong gumastos, pambili ng regalo. Kahit pa ika'y binatilyong walang modo. Makamit mo lang, pagliyag na totoo. Paano naman itong mga babaeng pihikan, mga lalaking mahihinhin, matatandang nilipasan? Isama na rin natin, mga paslit sa lansangan? Marahil ay sila, lubos ang pangangailangan. Ang mahalin, mahalin at mahalin. Hanggang ang lahat-lahat ay bumalik na sa kabutihan. Bigyan daan, buhay ng kapayapaan.



China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento