Huling araw nitong Enero. Ilang minuto na lang ay Pebrero. Sa taon ng kalabaw, krisis nang buong mundo. May bagong pangulo, doon sa kabilang dako. Africano ang ama, ina ay amerikana, na kung tawagin ng karamihan ay Obama. Bagsak ang ekonomiya ng makapangyarihang Amerika. Damay pati maliliit, maging ang kinatatayuan ko. Natutumbang isa-isa na parang domino. Ngunit may isang bansa, lupain nitong tsino, umaangat, umuunlad. Matatag at di magupo. Masarap daw manirahan doon sa Europa, sabi nitong pinay na mestizang maganda. Na namumula ang buhok dib-dib alkansya. Mainam ang buhay, para daw siyang reyna. Limang minuto! Pebrero na!
China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento