TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Enero 6, 2020

Alakatak


Isang linggo na pagpasok ng taon.
Lango pa rin, hindi makabangon.
E pa'no nga inom ng inom.
Parang walang humpay na selebrasyon.

Bwisit na bwisit na sa sarili.
Pag nalasing kung anu-ano ang sinasabi.
Ayaw patatalo wala ng modo.
Matino namang tao kaso naging gago.

Mahirap din pala ang malasing.
Masakit sa ulo nakakapraning.
Akala ko madali lang itong gawin.
Kaya heto buong araw hindi makakain.

Ayaw ko na nga, pwedeng tama na!
Tigilan na itong kalokohan, ayaw na suko na!
Huwag mo na akong yayain at ako'y sagad na sagad na.
Tama na! Last na talaga 'to! Oh ha!

Nyahahahaha....



Bagong Yugto


Bagong taon, bagong hinaharap.
Sasalubungin ano man ang pagsubok.
Aakuin bawat kilos ng puso.
Isipan man ay mabulabog ng mga nakapalibot.

Iisa-isahin ang mga nagawang pagkakamali. 
Susubukan na itama upang 'di na maulit ang pagkalugmo. 
Mga salitang binitawan na hindi naman nakabubuti.
Pipilitin nang maging mahinahon para sa nakararami.

Panahon ay tumatakbo kapag umidad ka na ng todo.
Wala ng balikan, pasulong ang sumasamo.
Masasakit na nakaraan, baon-baon itinatak na sa ulo.
Hinding-hindi na pagugupo sa mga mapgsamantalang anino.