Inaantok ako kahapon, kung sa pagod ba o sa gutom.
Alas dos na ng hapon, wala pa'ng pananghalian.
Nang maluto na ang kanin, napilitan ng kumain ng karne ng baboy.
Meron dumating na gulay pero huli na, tapos na akong kumain.
Pero dahil gutom pa rin, kumain pa uli.
Gulay at prutas naman, kasama na yun durian
.
Kaya, inaantok ako kahapon, dahil sa sobra'ng kabusugan.
Kagabi, nakatulog ako ng maaga.
Matapos umulan ng mahaba-haba, masarap ng humilata.
Sa sarap ng tulog, wala ng naalala sa panaginip.
At nagising sa tunog ng "alarm clock" na hindi naman sa akin.
Pasalamat pa rin, maganda ang umaga.
Madilim pa rin pala ang alas-kwatro sa umaga.
Pero nagtittilaukan na ang mga manok.
Alas- singko ng umaga, medyo maliwanag na.
May naririnig na rin ako'ng mga huni ng ibon.
Dumadalas na ang ingay mula sa mga dumadaan na sasakyan.
Naririnig ko rin ang ingay mula sa eroplano'ng kalilipad pa lamang.
Walang kumakahol na aso sa ganito na oras.
Lumiliwanag na pero makulimlim ang langit.
Medyo malamig, malamang na uulan uli mamaya.
Alas-sais na ng umaga, gising na ako'ng talaga.
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento