Bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan.
Bagamat ang iba ay hindi ito maunawaan.
Kung sino ang malakas at kumpleto ang katawan.
Ay sila pa ito'ng mahinang umintindi sa karamihan.
Ang sabi nila kapag pulubi ang tao ay tamad.
Tangi'ng ang alam ay manghingi at mangulimbat.
Madungis, palaboy at sa kalsada nakabalagbag.
Mas pinili daw nila na maging isang mahirap.
Ngunit sa aking pag-aaral at sariling obserbasyon.
Kakayahan nila ay hanggang doon na lang yon.
Hindi mo na mapipilit na baguhin pa iyon.
Pang-unawa at suporta ang kailangan nila ngayon.
Kung meron mang paraan ay huwag bibiglain.
Una sa lahat ay kailangan sila'ng pakaiinin.
Hindi lang sa isa'ng beses dapat ay tuloy-tuloy din.
Hanggang sa malinawagan at matuto sa isipin.
Ngunit kung talagang suko na sila?
At pinili at pinilit na mamuhay sa kalsada.
Ano ang iyong gagawin, susuko ka na rin ba?
Hahayaan na lang ba na ang bansa ang magdusa.
Ang nag-iisip ng hirap ay mananatili sa kahirapan.
Ang nag-iisip ng unlad ay umaasenso at yumayaman.
Ang nag-iisip ng dusa ay lungkot ang nararanasan.
Ang nag-iisip ng ligaya ay tuwa ang nararamdaman.
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento