Mga Walang Kwentang Tula: na ika nga ay isang bagsak nang ginawa, mula sa hindi mapakaling kukote ng may akda.
TULOY PO KAYO
Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.
Paunang Salita
Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."
Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."
Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."
Lunes, Nobyembre 5, 2012
Memorya
Kadalasan raw sa atin ay maiksi ang memorya.
Madali ng makalimot kapag nabukasan na.
Ang nangyari kahapon ay nabali-wala na.
O ayaw na lang talagang ito ay maulit pa.
Kaya mo pa ba na ikaw ay magpatawad?
Kaya mo pa ba na ikaw ay umunlad?
Kaya mo pa ba huwag kang umiyak?
Kaya mo yan dahil memorya ay lumilipas.
Subalit kung maaari ay huwag itong humina.
Dahil kailangan pa ito lalo na sa pagtanda.
Mahirap magkamali kapag umidad na ang bata.
Dahil lahat sila sa iyo ay humahanga.
Kaya memorya natin ay huwag pabayaan.
Kung maari pa nga na ito ay madagdagan.
Huwag magbubura tulad ng nakasanayan.
Dahil kailangan ng utak na ito ay laging lagyan.
..Y,
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento