Mga Walang Kwentang Tula: na ika nga ay isang bagsak nang ginawa, mula sa hindi mapakaling kukote ng may akda.
TULOY PO KAYO
Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.
Paunang Salita
Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."
Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."
Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."
Miyerkules, Hulyo 4, 2012
Ubuntu
Ito na ang ginagamit ko ngayon.
Nagbago na ako ng OS, mas mabilis hindi tulad ng kahapon.
Hindi kayang pasukan ng virus, walang oras na natatapon.
Libre pa walang bayad, libre din mga applications.
Mas bagay ito para sa ating mga pilipino.
Hindi ka bibigyan ng problema dahil ang linux ay maka-tao.
Wala ka ng ibang bibilhin para ito ay tumakbo.
Subukan mo na rin dahil tested ko na ito.
Meron ka lang ibang bagay na dapat mong gagawin.
Para tumakbo ng mas maayos ay sundin lang bawat bilin.
Mag-updates lang kaagad sa update manager ito ay sundin.
I-check din ang extra drivers kung meron ang computer mo agad mo itong gawin.
So, ito na lang muna at marami pa akong gagawin.
Gagawa rin ako ng blog para sa may nais na magkuting-ting.
Isusulat ko kung papaano ang mga instructions o gawain.
Dahil iba ito sa windows na nakasanayan na natin.
..Y,
Linux- For human beings.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento