TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Disyembre 1, 2011

Sibilisasyon

 

03152011261

Saan ka makakakita ng ganitong klaseng damit?

At sino naman ang gumawa ng ganitong klaseng damit?

Kung noong araw pa, ito ay ginagamit.

Sibilisado ang lugar, malamang maunlad at malinis….

 

At ng aking malaman, ako ay nagtataka.

Dito pala sa Pilipinas, ito ay makikita.

Gawa ng katutubo hindi ng makina.

Makikita mo rin ito sa mga museo ng America…

 

Sa bawat butil at hibla ng tela.

Banaag ang yaman nitong makulay na kultura.

Kamangha-mangha, kataka-taka.

Sa bawat ditalye ay mayroong istorya…

 

..Y,

03152011260

Know your history. –Bob Marley

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento