May alagang ibon itong kaibigan kong pari.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit ikinukulong niya palagi.
Hiling ko lang sa kanya ay palayain kahit sa loob lang ng bahay.
Para naman makalipad-lipad at umayus-ayos ang kanilang pamumuhay.
Ngunit mas pinili niya na ikulong na lang sa hawla.
Para makapagdasal siya ng maayos, ave Maria Purisima.
Dahil baka rin daw may masira sa mga kagamitan niya.
Kaya mas mabuti na yan na diyan na lang sila.
Nasaan kaya ang tunay na katotohanan?
Dahil kung wala ito ay walang tunay na kalayaan.
Paano pa kaya ang tao kung nabubuhay sa kamangmangan?
Walang pinagkaiba tulad ng mga ibon sa kulungan.
Sayang ang buhay, sayang ang pagkakataon.
Sayang ang mga huni nitong mga abang ibon.
Sayang ang pagkatao kung pang-unawa ay nakabaon.
Sayang talaga kung sa sarili lamang nakatuon.
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento