Sa bawat aklat na binubuklat ay may letrang makikita. At sa bawat letrang makikita ang utak ay mag-babasa. At sa bawat pag-basa, isip ay gumagana. At pag-gumana ang isip, puso ay makadarama...
Kung ang puso ay may damdamin. Matututo siyang umibig. Matututo siyang magmahal at matututong magalit. Kaya itong puso ay kailangan ang isip, upang ang katuwiran ay mangibabaw, manaya at manaig...
At iisa lang sa mga nilikha ang may kakayahan na gumawa ng ganito. Kaya sila ang na-ngi-ngi-babaw dito sa ating mundo. Bagamat natututo ay kulang pa rin ang pang-unawa ng mga ito. Dahil sa paparami pa'ng kadahilanan ayon sa pangangailangan ng mga ito...
Marahil siguro ay kulang pa sa basa. Dagdagan pa siguro ng isip upang mapakinabangan pa. Sa iba namang pamamaraan na hindi nakakasakit ng iba. Sa larangan naman ng halaga, karma at kunsensya...
Wala lang naman, sumagi lang sa isipan. Malay din natin baka makatulong rin naman. Malay din natin kahit sabihin mo'ng ewan na d'yan. Malay din natin kahit na ito'y siguro lang...
Baka sakali habang binabasa mo ito ay ikaw na ang tagumpay na inaasam...
Do not pray for easy lives. Pray to be stronger men. -John F. Kennedy
It is not merely cruelty that leads men to love war, it is excitement. -Henry Ward Beecher
Beware how you take away hope from another human being. -Oliver Wendell Holmes
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento