TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Pebrero 10, 2011

Patas



Isinuko ko ang aking kaalaman sa isang taong aking pinagkakatiwalaan. Ano man ang kahahantungan nito ay sadyang hindi ko alam. Basta ang alam ko ay may naibahagi ako sa aking sambayanan. Ang mailahad ang lahat-lahat na nalaman. Para sa may mga pusong mapagmahal sa bawat kasaysayan...

Maaaring tulad mo o maaaring tulad ko. Na may katuwiran sa pagbabago ng mundo. At sa pang-unawa ng karinawang-tao. Nasaan ka nga ba?, at nasaan ako?..

Maaari ba'ng malaman ko, lahat ng nalalaman mo? Pag-usapan natin kung may punto nga ang mga ito. Kumbinsihin mo ako na tama ka at mali ako. Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang ano. Huwag ka lang magagalit at makikinig ako...


A leader is a dealer of hope. -Napoleon Bonaparte

..Y,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento