Sagad na ako ginagamit mo pa. Paano na kung maubos ang natitira ko na hininga? Itabi mo ako para memorabilya. Upang makilala naman ako ng mga susunod pa...
Isulat mo ako ng kuwento na maganda. Kahit sa kuwento lang ako ay maalala. Kahit kaunti lang na nakakagana. Kahit ano pa basta tunay na mahalaga...
Pitong-libo at limang-daan ang letra na naisulat ko. Daang-libo na linya ang mga naiguhit ko. Sa loob ng dalawa na araw, ako ay isinagad mo. Sagad na sagad na nga nang ako ay tigilan mo...
Hiling ko lang sa iyo mahal, hawakan mo ako. At pagpahalagan sa lahat ng mga nagawa ko. Ito lang ang aking kaya, ito lang talaga ako. Dahil ako ay isa lang na lapis na iginuguhit mo...
If artists and poets are unhappy, it is after all because happiness does not interest them. -George Santayana
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento