TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Enero 18, 2011

>EMO<



Puro na lang problema. Bukang-bibig nitong tindera. Lahat na lang ay inako n'ya. Problema ng buong-pamilya...

Walang pera, walang pagkain. Walang na bang tutulong sa akin? Ganda ng buhay ipinagkait sa akin. Diyos ko po!, ako'y iyo ng kunin...

Ina, ina, maghunos-dili ka. Kayo rin ang pumili ng buhay na ganito. Ikaw rin at si ama ang nagpundar ng mga ito. Kami na inyong mga anak ay bunga ng pagmamahalan ninyo.
Ano ba ang hirap na palaging ina-ako'y mo?...

Hindi ba kayo ang gumawa kung bakit kami nandirito? Hindi ba't masaya kayo habang ginagawa ninyo ito? Ngayo'y nagrereklamo ka sa sarap na pinagsaluhan n'yo.
Ano ka ba ina, huwag ka'ng lumiko't diretso lang tayo...

Ang gulo ng bahay, palagi na lang maingay. Palaging nag-aaway si nanay at si tatay. Sisihan ng sisihan sa ginagawa nilang buhay. Tuloy pati kami damay sa buhay na walang kulay....



Right is more precious than peace. -Woodrow Wilson


..Y,

Huwebes, Enero 6, 2011

Harapan



Balik na uli sa normal na buhay. Trabaho kung may trabaho, tambay naman kung istambay. Tagapagpalamon o palamunin na naman sa bahay. Nag-iisa na naman o meron nang nagmamahal na ka-akbay...

Pangalawang-linggo na ng Enero kaya bawal na ang tamad. Kailangan na muling kumilos para meron ng pambayad. Kailangang muling magsipag para laging may pambayad. Kailangan ng kumita para may pagkain na bukas...

Panibagong hamon ng taon ang isang taon na nakalipas. Na higitan pa ito at umangat ng umangat. Ang kumilos ng kumilos upang bumalik ang napahingang-sipag. Upang sa nagmamahal ay palagi kang yakap-yakap...

Bawal na ang tanga, huwag kukupad-kupad. Maging marunong lang hindi maging mautak. Walang hahantungan kung tuso ka at makunat. Pakilusin ang sarili sa maka-tao na landas...

Malabong umunlad ang mga tao'ng ganid. Bulsa ay paldo ngunit puso ay patid. Isip ay palaging lito, tuliro at nagngangalit. Parang demonyong uhaw na uhaw sa pag-ibig...

Nasa sa iyo yon kung saan ka papanig. Kung sa maayos ba o sa magulo ka pa-a-apid. Kung sa taghirap o sagana ilalagay ang lyong isip. O baka naman naghihintay ka na lang ng kapalit...

Pero kung ano man yang mga desisyon mo ngayon. Ay harinawa'y magtagumpay ka sa uusungin mong hamon. Basta't ginusto mo sana ang lahat ay umayon. Tagumpay kaibigan, pagtagumpayan mo ang bawat buong maghapon...



Who hesitate and falter life away, and lose tomorrow the ground won today. -Matthew Arnold



Ano daw yon?

Aba aywan ko?

Ikaw, alam mo?


..Y,

Sabado, Enero 1, 2011

Bago na ang Taon



Gusto kong magyabang pero di ko magawa. Yung baga'ng panalo na'y sakdal tuwang-tuwa. Yung tipong parang jueteng tumbok-singko doble-tama. Yung tipong nanaginip ka na lumampas pa sa himala...

Wala lang tuwang-tuwa lang ako. Siguro'y dahil nga ang taon ngayon ay bago. Syempre meron din naman na nagmamahal sa katulad ko. Hindi naman ako yung sobrang napaka-tarantado...

Pero ano nga baga itong ibinigay sa akin? Tingnan mo nga at hanggang ngayon ay dinu-dut-dot ko pa rin. Mukhang mahaba pa itong aking saliksikin. Ngunit gano'n pa man talaga namang ako'y tuwang-tuwa pa rin...

Hohoho..
Hehehe..
Hohoho..


All rising to great places is a winding stair. -Francis Bacon




..Y,