Papikit na ang mata, palalim na ng palalim. Naglalakbay na ang isip padilim na ng padilim. At sa isang iglap ay tuloy-tuloy na ang sari-saring salin-salin...
Bawat panaginip ay iyong nam-namin. Dam-damin mo bawat eksena bawat adhikain. Dahil hindi na ma-u-u-lit pa kahit iyo pang pilitin. Isulat mo agad mula sa iyong pag-gising..
Ang panaginip ay hindi mo kayang diktahan. May sarili siyang daloy na hindi mo kayang pigilan. Hindi mo kayang putulin. Hindi mo kayang panindigan. Dito ang buhay mo'y parang ano, parang kuwan...
Para kang mano-nood ng sariling mong katawan. Habang ang isip mo'y sakop ng kung anong ano pa man. Para kang sinapian ng buong kalawakan. Para kang si ganito at para kang si ganyan...
Bihira na akong managinip, kaya sa bawat eksena ay tanda ko bawat kulay at hugis. Bawat salita, lugar at mga titik. Bawat pagmu-mukha maganda man o pangit...
At itinatak ko na sa aking pag-iisip. Na kailangan ay matatag kapag nananaginip. Mala-paraiso man o mala-demonik. Kapag sukol ka na't kumakaba na ang dib-dib. GI-SING lang dyan ang sagot at uminom ng pakonti-konting tubig...
Ayos!...
Libre lang mangarap. -Kamikazee
..Y,
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento