TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Agosto 2, 2010

Karma




Iba na ako ngayon kumpara sa noon. Hindi ako tumatanda na tumatandang paurong. Bagkus ay binago ko ang kamalian ko noon. Subukan mo akong kausapin, iba na ako ngayon...

Noong kabataan ko'y mahilig akong gumimik. Palainom ng alak tinamaan ng lintik. Mataas ang ere tunay na mapagmalabis. Marami akong nasagasaan dahil sa kamangmangan ng pag-iisip...

Kung aking iisipin at wawariwariin. Ang sarap kong tirisin, ang sarap kong patayin. Para akong kulangot na nakadikit sa ding-ding. Para ring utot na inililipad ng hangin...

Ang tanga-tanga ko, sira-ulo, walang-modo. Walang pag-galang sa kalooban ng ibang tao. Sarili lang ang iniisip, walang paki-alam sa mundo. Dagdag pa sa problema ng bayan at gobyerno...

Subalit ang lahat ay merong hangganan. Sa paglipas ng panahon ay nababago ang isipan. At kung wala akong ganito, sarado ang aking isipan. Malamang na kasama ako sa dasal ng kadiliman...

Muntik na! Muntik na! Mabuti na lang natagpuan kita. May mababang-loob na sa akin ay humusga. Nilunasan mo ang sakit ng maging isang tanga. Sa kapakinabangan doon mo ako dinala...

Ipinakita mo ang tunay na kaligayahan. Ang matuwid na landas sa tunay na kapayapaan. Iminulat mo ako sa adhikaing walang-mangmang. Humayo ka at magpakarami para sa mabubuting-isipan...



You can change. -T.F.F.



:-)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento